Friday, December 8th, 2006
GAHASA
ni Joi Barrios (1989)
Ihanda ang mga ebidensya.
Eksibit Blg. 1: Patalim, baril o kahit na anong sandata, patunay ng pagbabanta.
Eksibit Blg. 2: Panty na may mantsa, patunay ng kabirhenan ng dalaga.
Eksibit Blg. 3: Sertipikasyon ng doktor, patunay na –
a. sapilitan
b. lubusan ang pagpasok ng ari.
Eksibit Blg. 4: Sertipikasyon ng pagkatao, patunay ng hindi pagiging puta. Ipasok sa hukuman ang nasasakdal. Ipasok sa hukuman ang nagsasakdal.
Simulan ang panggagahasa.