…
Friday, July 25th, 2008"nemO dat quod nOn habet.."
"nemO dat quod nOn habet.."
"According to all known laws of aviation,there’s no way that a bee should be able to fly. Its wings are too small to get its fat little body off the ground. The bee,ofcourse,flies anyway. Coz’ bees don’t care what humans think is impossible. "
-Seinfeld
nabasa sa page ni tintoi
"…have patience with everything unresolved in your heart and to try to love the questions themselves as if they were locked rooms or books written in a very foreign language. Don’t search for the answers, which could not be given to you now, because you would not be able to live them. And the point is, to live everything. Live the questions now. Perhaps then, someday far in the future, you will gradually, without even noticing it, live your way into the answer."
- Rainer Maria Rilke, "Letters to a Young Poet"
ni Amor M. Datinguinoo
Pigilan mo akong mangarap,
Pagkat ang pag-ibig natin
ay hindi sine ni
Sharon Cuneta.
Gupitin mo ang pakpak
Ng aking balintataw,
Pagkat ang pag-ibig natin
ay walang siguradong
"And they lived happily ever after"
Sa ending.
Ikadena mo ang paglilimayon
Ng aking guniguni,
Pagkat ang pag-ibig natin
ay hindi nabibiyayaan ng katiyakan
Ng paglubog at pagsikat ng araw.
Sa halip:
Turuan mo akong ituring
Na dream come true
Ang bawat araw na kapiling kita.
Sabihin mo sa aking
Langit na sa lupa
Ang nasa tabi kita ngayon
ang nahahawakan ko ang kamay mo
ang nakakasabay kita sa pagkain
ang nakakasandig ako sa iyong mga balikat
ang nakakaagapay kita sa pag-aaral ng lipunan at buhay
ang naririnig ko ang boses mo
ang nakakaambos ako sa iyong mga iniisip
ang nahahagkan ko ang pagbuka ng iyong mga labing
humahabi ng mga pangarap na
wala tayong karapatang angkinin
(ngunit walang pakundangan mo pa ring
pinapangahasan!)
sapagkat
Sinta,
Ikaw at ako
ay may kahati
sa ating love affair:
Ang kapwa mababangis na
Rebolusyon
Sa loob at labas
Ng ikaw at ako.
Kaya’t pigilan mo akong mangarap,
Mahal.
Sapagkat hindi natin tiyak
Kung bukas,
Tutubuan pa ng bigote ang buwan.
[Philippine Collegian 1988 Literary Folio]
*ngunit, nakalimot ako.. hindi ko napigilang mangarap.
ni ee cummings
it may not always be so; and I say
that if your lips,which I have loved, should
touch another’s, and your dear strong fingers clutch
his heart, as mine in time not far away;
if on another’s face your sweet hair lay
in such a silence as I know, or such
great writhing words as, uttering overmuch,
stand helplessly before the spirit at bay;
if this should be, i say if this should be-
you of my heart, send me a little word;
that I may go unto him, and take his hands,
saying, Accept all happiness from me.
Then shall I turn my face, and hear one bird
sing terribly afar in the lost lands.
unlove’s the heavenless hell and homeless home
…lovers alone wear sunlight.
"hindi man laging ganito…"
hindi man laging ganito; at aking sinasabi
na kung ang iyong mga labi,na aking minahal,
sakaling dumampi sa iba,
at buong-loob na sakupin ng iyong mga daliri
ang kanyang puso, tulad ng akin noong kailan lamang;
kung sa ibang mukha lumapag ang iyong masamyong buhok
sa taimtim na katamihikan na batid ko, o
lubhang nakasasakit na mga salita, labis-labis pang binibigkas,
kaawa-awang titindig sa harap ng sinukol na diwa;
kung sakaling ganito, at aking sinasabi
kung sakali ngang ganito-
ikaw ng aking puso, balitaan mo ako;
nang maari akong tumungo sa kanya,
at tanganin ang kanyang mga kamay, nagsasabing,
Tanggapin mo ang lahat ng kaligayahan mula sa akin.
ililingon ko ang aking mukha, at mauulinigan
ang nakakikilabot na iyak ng isang ibon sa malayong kasukalan.
ako’y hindi na iniibig
ang impyernong walang langit at tahanang walang tahanan
…mga magkasintahan lamang ang nanamit ng liwanag ng araw.
[salin ni Omer. ikalawang burador. 17 April 2006. ]
Noo
Tuwing idadampi mo
ang iyong labi
sa aking noo
tila mata itong
sumisilip sa bintana
ng aking puso.
Nahahawi ng mainit
mong hininga
ang mga tuping tumatabing
sa pangungulila at
pag-iisa.
Nanunulay ang aking
kaluluwa sa pilik mata.
telepono
Kapag hindi
ka tumawag
(kahit nagbeep
na ‘ko,
bulong ko
sa anino)
nagiging busy
ako sa
paghihintay.
Pumupulupot ang
mga hinala
sa kawad
ng isip.
Nagda-dial ang
mga dahilang
sindami, marahil,
ng kombinasyon
ng mga
bilang. At
kapag kumiriring,
sabay sa
pag-angat ang
hiling: na
boses mo
na sana
ang nasa
kabilang linya.
kung hanggang
tula lang ako
Puting lapida itong pintong papel.
Tuwing dadalaw ka, nagkakapangalan
ang pangungulila, nahahawi
ang mga agiw na napagkit sa ukit.
Tila umiingit na bisagra ang mga salita
kapag pinatutuloy ang mga ito;
Sumisilip naman ang mataas na sinag,
tila balaraw na nilalaslas ang dilim
na nakalupasay sa sahig
Minsan, nagmumulto ang puntod.
Pinangangatog ang tuhod.
Ngunit muli akong ipapanatag,
ng kalokohang nakapinid na
ang ngiti ng lugod,
nakahimlay na ang damdaming
nagpatibok sa puson.
Sa ganitong tagpo, lalong
lumalawak ang giwang ng pinto.
Sapagkat sa bawat katok ng mga salita
nauulinigan ko ang iyong
mga impit na halinghing at bulong;
sa bawat tulos ko ng taludtod,
pumapatak sa diwa ang malalapot na gunita;
at kapag naitundos ko ang imahen,
nakukuyom ko kahit
ang balangkas ng iyong anino.
Kaya unawain ako
kung ito lang ang kayang gawin.
Sapagkat tula lang naaangkin.
At dito ka lang nagiging akin.
(mula sa Balitaw, Literary Folio ng Philipping Collegian 1997-1998)